Kailan ba “tama na” ang “tama na”?

Someone once asked me, how do you know when it’s time to let go? Kailan mo malalaman na tama na, kung kailan mo ba bibitawan ang pag-asang may patutunguhan pa ang lahat?

Kung wala na yung dating tiwala nyo sa isa’t isa.
Kung wala na yung respect na meron kayo para sarili at sa relasyon ninyo.
Kung may iba na sya, iba na yung nagpapa-ngiti sa kanya.

Kung hindi mo na kilala yung ikaw, yung ubos ka na. Sa sobrang minahal mo sya, napabayaan mo na sarili mo. Nakalimutan mo na mahalin din ang ikaw.

Masarap magmahal, pero sabay nito ang sakit. Minsan, hindi mo namamalayan na nalulunod ka na pala. Kailangan mo din tulungan ang sarili mo, kailangan mo din bigyang halaga ito.

Kasi madalas, hindi sapat ang pagmamahal lang. Kailangan may tiwala, yung tiwala na hindi nyo intentionally sasaktan ang isa’t isa. Kailangan may respeto kayo sa isa’t isa, lalo na sa relationship nyo. Respetohin ninyo kung ano man ang desisyon ng isa’t isa. Sakaling hindi ka man sang-ayon sa desisyon nya, support factor ka na lang and don’t point fingers kung things turn bad.

Pinaka-importante sa lahat is allow each other to grow. Hayaan nyo ang isa’t isa to grow not just with you but with other people too. Bigyan nyo ng enough space ang isa’t isa to become better individuals.

So sa tanong na how do you know when it’s time to let go? Alam ko na malalaman mo din deep within you kung kailan tama na ang tama na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s