Di Bale Na.

“But I don’t want nothing at all, if I ain’t got you baby…” 
Naalala na naman kita at sya. Sabi mo kasi yan yung naalala mo na madalas nyang kinakanta. Nakakainis isipin kung gaano kita kadalas naalala sa isang araw. Sa pagtulog, pagkain at sa work. Kahit nga sa mga calls ko, naalala ko na dati mo ako inaasar na nakikipaglandian sa callers ko.
Dami ko naalala sa’yo, mga araw na nasa Manila pa ako. Unang-una, kinunan mo ako ng picture nung nakatulog ako sa training room. Ni hindi pa tayo friends nun. Kasi na-aangasan kasi ako sa’yo and then feeling ko ang yabang mo. Pero kung minsan hindi mo naiintidihan si Lord eh, nilalagay ka sa mga sitwasyon na hindi mo alam kung ano ang dahilan, kasi nilagay nya tayo sa isang team. Ok lang ako nun. Di naman kita type eh. Siguro ngayon masasabi ko na alam ko na ang dahilan ni Lord bakit tayo nilagay sa isang team, para siguro makita ko ang kabaitan mo at may matutunan ako sa mga araw na magkasama tayo at higit sa lahat para mahalin ka. 
Naalala ko, nung naging kami ng bestfriend mo, madalas mo ako e-text at nang-aasar ka nun. At kung minsan tumatawag ka sa condo para lang mang-asar. Close na tayo nun kasi palagi tayong magkatabi ng stations sa training at tayo lang yata ang makukulit sa team natin. Sa pagka-close natin naalala ko na sinabi ko sa’yo lahat ng mga nangyayari sa’min ng bestfriend mo at ang katotohanan na hindi ko naman talaga mahal ang bestfriend mo. Tapos pinayuhan mo pa ako nun na sabihin ko sa bestfriend mo yung totoo habang bago pa lang kami. That was in December. 
Ang kulit natin nun sa team. Tapos sinabi mo sa akin na may gusto ka sa teammates natin. Duda na talaga ako na siya pero ayaw mo naman sabihin sa akin at ayaw ko rin naman malaman na siya. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero siguro sa kaloob-looban ko gusto ko na sabihin mo na ako yun. Di ko makalimutan yung day na sinabi mo sa akin na sya, New Year’s Eve yun. At yun din ang araw na inamin ko sa sarili ko na mahal kita. At hinding-hindi ko makakalimutan na ikaw lang yung tao na tumawag sa akin on the New Year’s Eve. Tulog ako nun eh and then ginising mo ako at sabi mo na tumalon-talon naman ako. 
Dami ko talaga naalala sa’yo. Feeling ko buhay ko nagbago dahil nakilala kita. Lungkot-lungkot ko nga nung umalis ako Manila. Pero kahit papano masaya na din ako na nagbago environment ko dahil nagbabakasakali akong makalimutan kita. Alam naman lahat ng mga tao kung gaano kita kamahal. Ikaw lang yata ang hindi nakakakita nun. Naalala ko nung nag-usap kami ng mga kasama natin sa work, hindi ko na kinailangan pa na sabihin ko sa kanila kung ano problema ko. Nakikita naman daw nila. Hindi ko alam kung alam mo ba at nagduduwag-duwagan ka lang. Pero sa mga pinagsamahan natin para yatang kulang nalang ng label na tayo na. Madalas ka tumatawag sa bahay and then nag-uusap tayo mga isang oras and then iniistorbo mo ako kahit tulog ako kasi gusto mo lang pagawa ng message kasi tinatamad ka gumawa ng message. Minsan nga tumawag ka habang natutulog ako kasi gusto mo na may kausap habang nanonood ka ng Johnny English. Pero hindi naman sya nawawala sa usapan natin, sa totoo nga kinikilig pa nga ako sa inyo and pilit ko pa nga sinasabi sa’yo na ligawan mo na pero ikaw ang ayaw kasi mo ng long distance relationship. So ganun tayo. Masaya kahit laki ng babayarin sa bills. Naalala mo ba nung one time na dinalhan mo kami ng carnation, that was Valentines yata. Sabi ko pa nga sa’yo na siningit mo lang kami para hindi awkward na sya lang ang bibigyan mo ng bulaklak. Tapos one time I dared you na bumili na Red Ribbon for her. Kasi naman ako yung inutusan mo na bumili for her. 
The sad thing is that hindi na kami nagkibuan ng bestfriend mo nung naghiwalay kami. Nagselos yata siya kasi alam nya na masyado na tayong malapit sa isa’t isa nun. Naalala mo ba nung tumawag ka sa condo one time at pinag-Cebuano mo ako buong usapan natin kasi alam mo na nandun bestfriend mo at ayaw mo na malaman nila na ikaw kausap ko? Tuwang-tuwa ako nun kasi mga 30 minutes tayong nag-usap at hirap na hirap ka sa mga pinagsasabi ko. Tinanong mo ako one time nung nakasakay na ako ng taxi pagdating ko dito galing airport kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay sa kanya. Tinanong mo ako kung ikaw ba, syempre di ko aaminin sa yo na ikaw no. Hindi ko alam pano sabihin sa’yo. Minsan din tinanong mo ako kung nagseselos kaya ang bestfriend mo sa sobrang lapit natin sa isa’t isa. Hindi ko talaga alam kung ano sagot nyan. Siguro nga. 
Pero hindi ko malilimutan ang fact na sya pa ang nagsabi sayo about how I really feel towards you. Sinabi nya sa’kin yun pero hindi ko masyadog nakuha kasi busy ako nun dahil that was the day na alis na kami dyan. Nung nag-usap tayo tinanong mo ako kung gano katotoo, sabi ko pwede wag na natin pag-usapan. Sabi mo na kung kasama lang tayo eh binatukan mo na ako. Alam ko parang hanging ang topic pero sa totoo lang, takot ako na pag-usapan yun kasi takot ako na malaman na talagang hanggang friends lang tayo. Alam mo ba kung bakit kita pinagpipilitan sa kanya, kung bakit parang pinagtutulakan na kita sa kanya, it’s not ayaw mo naman, pero ginagawa ko yun dahil gusto ko talaga na maging kayo na. Para pag naging kayo na, wala na akong dahilan na tumawag sa’yo at siguro para mo na din inamin sa akin na hanggang kaibigan lang talaga ang pagtingin mo sa akin. Ang tanga-tanga ko nga na hanggang ngayon umaasa pa rin ako na isang araw matutunan mo din akong mahalin. 
“So we’re ok, we’re fine..” 
Yan na ang tugtog sa radio. Yan ang kadalasang tugtog sa background tuwing tumatawag ka sa akin. Mamaya-maya pag-uwi, di ko na naman alam kung tatawagan ba kita o kaya hihintayin ko na lang na ikaw ang tumawag. Ewan ko. Mabuti pa kayang matulog nalang muna ako, baka sakaling mapanaginipan ko pa na mahal mo din ako. – ♥..xoxo..♥

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s